Wednesday, June 22, 2011

25 Random Facts About Me

I'm back! It's difficult doing nothing for the past months. Nakakaloka talaga! Just like going nowhere. So, I've decided to write some facts about me that most of my friends doesn't  know. So here are the 25 Random Facts About Me:

25. That I really really enjoyed eating chicken kung ito ay "breast part". Yummy talaga.

24. People think that I'm a snob lalo na sa first meeting pero ang totoo, mahiyain lang talaga ako. I will only be comfortable kung close na tayo. But in fairness, madali naman akong maging ka-close.

23. Most of my friends akala eh graduate ako ng college. Unfortunately, hindi...it's a long story kung bakit di ko natapos at iyan ang isa sa mga frustrations ko.

22. I don't look my age. Lahat ng makilala ko sa new work ko or kung saan man, akala nila eh mas bata ako sa actual na edad ko. And because of that, I don't reveal my real age. He he he 

21. Na dati akong member ng Pax Romana Dance Troupe ng UST at Kalinangan Ensemble ng NCBA dahil sa dancing which means na dati mas magaling akong sumayaw kesa kumanta.

20. Addict ako manood sa TV, na kahit 24hrs na walang tulugan kaya ko basta gusto ko ung mga palabas.

19. Na hindi ako makapagpagupit ng skin head hindi dahil ayaw ko, it's because may malaking poknat ako ulo.

18. That I hate numbers during my elementary at high school days. Kung may makita kang line of 7 sa report card ko, eh 100% na Math yun.

17. Sobrang depress ako kapag walang wala ako, at feeling ko palagi akong magkakasakit.

16. Favorite ko ang mga horror movies at feel na feel ko itong panoorin kahit magisa lang. 

15. Dalawa ung humula na magaabroad ako when I was 18. Nagkatotoo nga, pero kung mayaman lang ako mas gusto ko pa din sa Pinas. There's no place like home ika nga.

14. Na-try ko ng ipakulot ang buhok ko pero nung makita ko sa salamin na nagmuka akong ita. Super binabad ko ang buhok ko sa tubig hanggang umunat siya ulit.

13. Twice na akong nakasali sa game show sa TV. Di ako lucky kaya palagi akong talo.

12. Di ako mahilig sa gamble kaya never ko pa na-experience na pumasok ng casino.

11. Mas gusto ko ang cake over ice cream lalo na kapag chocolate flavor.

10. Dream ko na magkaron ng house and lot. Pero tingin ko malabo na mangyari unless tatama ako sa Lotto. Kaya lang di naman ako tumataya sa Lotto kaya siguradong hindi ako tatama.

09. Na kaya ko pala ang numbers basta makahiligan lang because during my stay sa NCBA palagi akong pasok sa Top Ten ng Departamental Exam ng Accounting.

08. Mas gusto ko ang burger sa Burger King kesa sa Jollibee at Mcdo.

07. I love eating Pancit Guisado lalo na kapag may rice. Carbo carbo talaga.

06. Hindi ako choosy sa shampoo anything will do pero sa soap di ako pwede ng sobrang bango. Mas ok sa kin ung mga mild soap.


05. Mahiyain talga ako pero I really don't know kung bakit ayaw maniwala ng mga friends ko. (kahit itanong mo pa sa kanila, di talaga sila papayag na mahiyain ako)


04. Favorite outfit ko ang walking short, t-shirt at sneackers. Di naman ako specific sa brand. Basta feel ko ung texture ng cloth type ko, mas ok kung 100% cotton.

03. Noong bata ako gusto kong magsalamin, sabi kasi nila mukang genius ang nakasalamin. But now, ayoko kaya lang di na pwede, wala akong makita at mabasa sa computer kung di ko suot ang salamin ko.

02. Na hindi ko na alam kung gaano na karami ung inaanak ko. Pero masaya ako kasi mga kaibigan ko ang mga kumare at kumpare ko.


01. Maarte ako, masungit, moody minsan, di man kagandahan pero ubod ko ng bait. : )


There you go, 25 things about AWEL...