Friday, July 08, 2011

First Favorites...

Lahat ng first favorites shiempre memorable. Nakakatuwang balik balikan and when ever i do some flashback, napapangiti na lang ako. So, to refresh my memory i tried writing down some of my very first favorites.



 FUNNY KOMIKS 
This is the first komiks I really enjoyed reading. Uso pa ang rasyon ng komiks noon. At talagang iniipon ko pa ung mga Funny Komiks ko. Nahilig din ako sa drawing dahil dito. Kwelang kwela ang Aksyon Aksaya na ginawan pa ng movie ni Chiquito at nagkaron din si Anjo Yllana ng movie na Aksyon Aksaya.








VOLTES 5 
Halos tumakbo ako pauwi galing school sa hapon para maabutan ko ang first cartoon shows na una kong naging favorite subaybayan sa TV. Eto na yata ang naging favorite ng lahat ng mga bata non. May mga spoof movies sa din sa tagalog na ginawa like Buntis 5 ni Chiquito.





DINA BONNEVIE
Dina Bonnevie is one of may favorite local actress during my younger years. Sosyalera kasi ang loka bukod sa maganda eh englisera pa. She won first runner up sa Ms Magnolia seach sa tv. If I am not mistaken si Malou Maglutac yung naging Ms Magnolia that time. Naging big hit din yung single nya na "Bakit Ba Ganyan" kung saan nagkaron ng revival ang kantang ito na si Melissa Gibbs naman ang kumanta.





PINOY THRILLER/REGAL SHOCKER
At dahil addict ako sa kakapanood ng mga horror movies, tv show. Ilan sa mga naging favorite ko na horror tv show ay ang Pinoy Thriller, Regal Shocker, Guni-guni. To think na si Robin Padilla dyan unang napapanood bago pa sya sumikat.